Mga Pinoy sa Israel, muling pinag-iingat sa harap ng anti-constitution overhaul protest doon

 

Muling nag-abiso ang Philippine Embassy sa Israel sa mga Pinoy roon na mag-ingat sa paglabas sa mga pampublikong lugar.

Sa harap ito ng mga kilos protesta roon sa gitna ng isinusulong na overhaul sa kanilang Konstitusyon.

Pinapayuhan din ng embahada ang mga Pinoy sa Israel na iwasan ang mga lugar na may kaguluhan o nagaganap na karahasan.


Kung maaari ay ipagpaliban din muna ang pagpunta sa matataong lugar at mag-ingat sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments