Mga Pinoy sa Israel, patuloy na pinag-iingat dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Gaza Strip

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino doon na maging mas maingat at mapagmatyag dahil sa patuloy na tensyon sa Gaza Strip

Ayon sa embahada, ang mga nakatira sa loob ng Gaza Envelope at sa katimugang bahagi ng Israel ay pinayuhan din na sundin ang mga alituntunin gaya ng ibinigay ng Home Front Command:

Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:


– Pagbabawal sa mga educational activities
– Gawin ang mga trabaho sa loob ng mga standard protected space namalapit sa isang bomb shelter
– Iwasan o ipagpaliban muna ang pagpunta sa maselang lugar gaya ng Golan Heights, mga lugar na malapit sa border ng Lebanon at Gaza
– Pinapayagan naman ang pagtitipon ng may sampung tao sa outdoor spaces habang 50 indibidwal sa indoor spaces
– Agad ding tumawag ng tulong kung kinakailangan

Paalala pa ng embahada, alamin ang mga pangyayari mula sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa sitwasyon sa Israel tulad ng dyaryo at telebisyon.

Sumunod sa mga tagubilin ng Israel security forces at ng Home Front Command.

Nauna nang naglunsad ang Israel ng malawakang operasyon laban sa Palestinian jihad terrorist sa Gaza Strip.

Facebook Comments