Mga Pinoy sa Jakarta, Indonesia, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa harap ng mga nagaganap na demonstrasyon doon

Pinapayuhan ng Philippine Embassy ang Filipino community sa Jakarta, Indonesia na huwag munang lalabas.

Sa harap ito ng mga nagaganap na demonstrasyon sa ilang lugar sa Jakarta.

Pinaiiwas din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa nga malaking pagtitipon para hindi sila mapahamak.

Patuloy namang naka-monitor ang embahada sa developments ng mga pagkilos.

Kaugnay nito, ilang train stations sa Jakarta ang isinara na dahil sa kaguluhan.

Isa ring bente anyos na ride-hailing driver ang namatay sa riot sa Jakarta.

Facebook Comments