
Inalerto ng Philippine Embassy sa Tokyo ang mga Pilipino sa Japan matapos ang tsunami warning ng Japan Meteorological Agency.
Kasunod ito ng magnitude 8.8 na lindol na tumama sa Kamchatka Peninsula sa Russia.
Partikular ang banta ng tsunami waves na aabot ng tatlong metro sa coastal areas mula Hokkaido (northern Japan) hanggang Wakayama Prefecture sa western Japan at sa Ogasawara Islands sa southern Japan.
Pinapayuhan ng Philippine embassy ang mga Pinoy sa mga nabanggit na lugar na magtungo sa mas mataas na lugar at iwasang magtungo sa mga beach o coastline.
Dapat ding tiyakin na fully charged ang kanilang mobile phones, maghanda ng emergency supplies, at i-monitor ang mga anunsyo ng Japanese authorities.
Facebook Comments









