Mga Pinoy sa Jordan, inalerto na rin kaugnay ng giyera sa Middle East

Inalerto na rin ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pinoy sa Jordan sa harap nang tumitindi pang giyera ng Israel laban sa ilang mga karatig nitong bansa.

Pinapayuhan ng embahada ang lahat ng mga Pilipino sa Jordan na manatili sa ligtas na lugar at i-monitor ang sitwasyon.

Inabisuhan din ang Filipino community na sundin ang travel restrictions at ang mga ipinagbabawal ng mga awtoridad doon.


Mahalaga rin aniyang makipagpalitan ng impormasyon sa mga kapwa Pilipino para maging updated sila.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy na nakahanda sila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pinoy.

Facebook Comments