Mga Pinoy sa Lebanon, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa posibleng pagpapatuloy ng airstrikes ng Israel

Inalerto ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipino roon sa harap ng posibleng pagpapatuloy ng airstrikes ng Israel.

Partikular sa bahagi ng Dahye at Hadath sa Beirut.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy roon na iwasan munang magtungo sa naturang mga lugar.


Pinaalalahanan din ang mga Pilipino na sumubaybay sa mga balita para maging updated sa kasalukuyang sitwasyon.

Muli namang nagbukas ng linya ang Philippine Embassy para sa mga Pilipino sa Lebanon na nais mag-avail ng voluntary repatriation.

Facebook Comments