Mga Pinoy sa Los Angeles, California, pinag-iingat sa flashflood

Pinag-iingat ng Philippine Consulate General sa Los Angeles, California ang mga Pinoy doon kaugnay ng flashfloods.

Partikular ang mga Pinoy na naninirahan sa pinaka-apektadong bahagi ng Southern California.

Base kasi sa abiso ng National Weather Service (NWS), posibleng magdulot hindi lamang ng mga pagbaha ang matinding pag-ulan, kundi maging ng mga pag-agos ng mga debris.


Naka-monitor din ang konsulada ng Pilipinas sa posibleng maganap na paglilikas sa mga apektadong residente.

Pinapayuhan din ang Filipino community sa Los Angeles na mag-antabay sa mga anunsyo ng local authorities.

Facebook Comments