Sunday, March 1, 2026

Mga Pinoy sa Middle East, nailipat na sa ligtas na lugar — PBBM

Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa ligtas na lugar ang mga Pilipino sa Middle East sa gitna ng palitan ng pag-atake ng Israel, Estados Unidos, at Iran.

Ayon sa Pangulo, maraming Pilipino na ang nakalipat sa mga itinalagang bomb shelter at umiwas sa mga lugar na posibleng target, tulad ng mga base militar.

Naka-heightened alert na rin aniya ang mga embahada at labor attaché sa rehiyon upang tutukan ang kalagayan ng mga Pilipino.

Tiniyak ng Pangulo na tuloy-tuloy ang monitoring ng pamahalaan habang patuloy na tumitindi ang tensyon sa Middle East.

Mananatili ring nakaantabay ang gobyerno upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa rehiyon

Facebook Comments