Tiniyak ng Philippine Embassy sa Myanmar na ligtas ang kalagayan ng mga Pilipino sa kabila ng kilos-protesta para kondenahin ang nangyaring kudeta at ihirit ang pagpapalaya sa kanilang lider na si Aung San Suu Kyi.
Ayon kay Philippine Embassy in Yangon Chargé d’ Affaires Stephanie Alexis Cruz, bagama’t nag-take over ang militar, nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Myanmar.
Patuloy rin aniya ang kanilang paalala sa mga Pinoy doon na umiwas sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga kilos-protesta.
Sa kabila nito, sinabi ni Cruz na nakahanda na ang chartered flight ng mga Pilipino sa Myanmar na nais nang umuwi ng Pilipinas sa Lunes, Pebrero 15.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 1,100 hanggang 1,200 na Pinoy sa Myanmar kung saan karamihan ay nagtatrabaho bilang guro, engineer at consultants.