Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Myanmar, na iwasan pa rin ang crisis-prone regions sa nasabing bansa.
Ito ay bagama’t ibinaba na ng DFA sa Alert Level 2 ang babala sa Myanmar.
Ayon sa DFA, walang garantiya na agad na masasaklolohan ng Pilipinas at ng Myanmar authorities ang mga Pinoy na posibleng maipit sa kaguluhan doon.
Una nang nagpatupad ang DFA ng Alert Level 4 sa Myanmar dahil sa military coup doon noong February 2021.
Sa ngayon, mahigit 400 pang mga Pilipino ang patuloy na nagtatrabaho sa Myanmar.
Facebook Comments