Mga Pinoy sa Oman, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa pagpirma sa SPA

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Oman ang mga Pinoy doon sa paglagda sa Special Power of Attorney (SPA).

Ito ay para maiwasang mabiktima ng scammers.

Ayon sa embahada, dapat pumirma lamang sa isang SPA kapag ito ay lubos nilang nauunawaan.

Maaari rin anilang komunsulta sa abogado para sa mga malalaki at mahalagang transaksyon

At kung gagawa sila ng sariling SPA form , kailangan pa rin itong i-print, lagdaan, at personal na dalhin sa Embahada ng Pilipinas.

Nagpa-alala rin ang embahada na ang SPA ay ligal na dokumento kung saan pinahihintulutan ng isang tao o ng principal, ang isa pang tao na kumatawan sa kaniya bilang agent o Attorney-in-Fact para isagawa ang mga partikular na transaksyon.

Facebook Comments