Mga Pinoy Sa Pakistan, Pinag-Iingat Kasunod Ng Suicide Bombing

12

PAKISTAN – Pinapadistansya ng Philippine Embassy ang mga Pililipino sa mga lugar-pasyalan sa Pakistan.Kasunod ito ng nangyaring suicide attack sa Gulshan Iqbal Park sa Lahore, Pakistan.Sa naturang pag-atake, animnapu’t pito ang namatay at mahigit tatlong daan ang nasugatan.Bagama’t walang Pilipinong nadamay sa pag-atake, patuloy ang pagtutok ng embahada sa sitwasyon doon.Tiniyak din ng Philippine Embassy sa Islamabad ang agarang tulong sakaling may Pilipinong mangailangan ng kanilang assistance.

Facebook Comments