Mga Pinoy sa Paris, pinag-iingat kasunod ng terror attack sa Champs Elysee

Paris – Pinadidistansya ng Philippine Embassy sa Paris ang mga Pilipino sa Champs Élysée kasunod ng terror attack doon.

Sa naturang pag-atake, isang police officer ang nasawi at ilan
pang mga otoridad ang nasugatan.

Kinumpirma naman ng embahada na walang Pinoy na nadamay sa shooting incident.


Mahigpit namang kinukundena naman ng Department of Foreign Affairs ang naturang pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments