Mga Pinoy sa Russia, isinailalim sa briefing ng Philippine Embassy sa harap ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine

Isinailalim sa briefing ng Philippine Embassy sa Moscow ang Filipino community sa Russia.

Sa harap na rin ito ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nagkaroon din ng palitan ng concerns hinggil sa mga Pinoy na naninirahan sa Moscow at iba pang bahagi ng Russia.


Tiniyak naman ni Ambassador Igor Bailen sa mga Pinoy na handa silang tumulong sa mga ito sa sandaling kailangan nila ng assistance.

Tiniyak din ng embahada na katuwang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagseserbisyo sa OFWs.

Facebook Comments