Mga Pinoy sa Russia, nag-panic buying sa gitna ng armed rebellion

Nagpa-panic buying na umano ang mga Pinoy sa Russia sa gitna ng napaulat na armed rebellion o pag-aalsa ng pribadong mercenary group na Wagner.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan naman ang Philippine Embassy doon sa tinatayang 10,000 mga Pilipinong manggagawa na nakabase sa Russia subalit iniulat na ligtas naman ang 11 Pilipino na nasa Rustov-on-Don malapit sa border ng Russia at Ukraine na una ng inihayag ng Wagner na kanila ng nakontrol.

Sa kabila naman nito patuloy naman mapayapa ang kapaligiran sa kabuuan maliban sa pagsasara ng ilang mga kalsada lalo na sa may Kremlin at Red Square na city landmark ng Moscow ay naka-red alert at may mga barikada.


Nagpaalala naman si Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen sa mga Pilipino roon na umiwas sa mga matataong lugar.

Una na ngang hinimok ng Embahada nitong weekend ang mga Pilipino sa Russia na manatiling mapagmasid, mag-ingat at nagbabala laban sa pagbibigay ng mga political opinion sa social media.

Facebook Comments