Mga Pinoy sa Russia, pinaiiwas sa matataong lugar

Inalerto ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Pilipino roon sa harap ng tumitinding giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Pinaiiwas din ng embahada ang mga Pinoy sa matataong lugar at demonstrasyon.

Pinadidistansya rin sila sa mga himpilan ng pulis, Ministry of Defense at ibang pampublikong gusali.


Ang mga Pilipino namang nakatira sa Rostov-on-Don, Belgorod at ibang lugar sa boundary ng Russia at Ukraine ay pinapayuhan ng Philippine Embassy na sundin ang batas ng Russia.

Sa kabila nito, pinapayuhan naman ang Filipino community sa Russia na manatiling kalmado.

Facebook Comments