
Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Riyadh ang mga Pilipino sa Saudi Arabia sa mga nag-aalok ng pekeng public document.
Ayon sa Embahada, dapat sa Philippine Embassy sa Riyadh o ‘di kaya sa Philippine Consulate General sa Jeddah lamang makipag-transaksyon ang mga Pinoy.
Ito ay dahil sa may katapat na parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang pag-iingat ng pekeng public documents.
Nagbabala rin ang Philippine Embassy sa may nag-iingat ng mga dokumentong pag-aari ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs na kanila itong sasampahan ng kaso.
Facebook Comments









