Mga Pinoy sa Singapore, pinaiiwas sa pagsasagawa ng political activities doon

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Singapore, sa mga Pilipino doon sa pagsasagawa ng political-related activities.

Ayon sa embahada, sakop nito ang mga dayuhan na bumibisita sa Singapore, gayundin ang mga nagtatrabaho at naninirahan doon.

Nagpaalala ang Philippine Embassy na dapat sundin ng mga Pilipino ang mga umiiral na batas sa Singapore.

Kabilang dito ang pagbabawal sa pagsasagawa ng political activities sa mga pampublikong lugar doon lalo na kapag walang police permit.

Iginiit ng Philippine Embassy na ito ay may katapat na parusang termination ng visas o work passes.

Facebook Comments