Mga Pinoy sa South Korea, pinadidistansya sa mga rally

Peoples protest to condemn South Korean President Yoon Suk Yeol's surprise declaration of the failed martial law. | December 5, 2024. REUTERS/ Kim Kyung-Hoon

Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga Pilipino roon na iwasang lumahok sa mga pampublikong demonstrasyon.

Ayon sa Philippine Embassy, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ng South Korea ang paglahok ng mga dayuhan sa mga rally.

Tinukoy ng Embahada ang Article 17 ng Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.


Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa South Korea na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa nasabing bansa.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang mga kilos-protesta sa South Korea kung saan nananawagan sila kay South Korean President Yoon Suk Yeol na bumaba sa pwesto matapos ang naging kaguluhan sa pagdedeklara nito ng emergency Martial Law.

Facebook Comments