Nananawagan na ang Philippine Embassy sa Egypt sa mga natitira pang Pilipino sa Sudan na lumikas na rin.
Ito ay matapos na masuspinde ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Sudanese government at ng mga rebelde roon.
Sa kanyang video message, hinihimok ni Ambassador Ezzedin Tago ang mga Pinoy na sasabay sa repatriation na magtungo lamang sa Port of Sudan.
At kapag nasa Port of Sudan na aniya ay kaagad na asikasuhin ang kanilang exit clearance.
Kapag nakakuha na ng exit clearance ay kailangang agad na tumawag sa Philippine Embassy sa Egypt.
Sinabi ni Ambassador Tago na may mga inihahanda na silang repatriation ngayong Disyembre para sa mga Pinoy sa Sudan.
Facebook Comments