Mga Pinoy sa Syria, pinag-iingat na rin sa harap ng kaguluhan sa Gaza Strip

Naglabas na rin ng travel advisory ang Philippine Embassy sa Syria sa mga Pilipino roon.

Sa harap ito ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas terrorist group.

Bukod din ito sa manaka-nakang kaguluhan na naitatala sa Syria.


Pinapayuhan ng embahada ang Filipino community sa Syria na iwasan munang magtungo sa mga matataong lugar at iwasan munang bumiyahe.

Hinihimok din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy doon na agad na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments