Mga pinoy sa Syria, pinayuhang umuwi na sa bansa kasunod ng air strike ng US sa mga vital installation ng Syrian government

Manila, Philippines – Dahil sa patuloy na paglala ngkaguluhan pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinoy sa Syriana umuwi na sa Pilipinas.
  Ayon kay DFA Spokesman ASec. Charles Jose, itinaas nanila ang pinakamataas na alerto ang nasabing bansa kasunod ng air strike ng U.Ssa mga vital installation ng Syrian government.
  Dagdag pa ni Jose, regular silang nakatatanggap ngupdates mula sa philippine embassy sa Damascus at nananatiling ligtas ang atingmga kababayan.
 
  Sa record ng DFA, may 1,400 na mga pinoy ang naninirahanat nagtatrabaho sa Syria.
 
  Una rito, ipinag-utos ni US President Donald Trump angair strike laban sa Syria matapos ang isinagawang chemical attack sa ilanglugar ng mga sibilyan kung saan marami ang nasawi kabilang na ang mga bata.
    

Facebook Comments