
Muling nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa mga illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa Pakistan.
Partikular ang mga Pinoy sa United Arab Emirates (UAE) na inaalok ng trabaho sa Pakistan gamit lamang ang tourist visa.
Ayon sa DMW, karaniwang nangangako ang illegal recruiters ng mataas na sahod bilang hotel staff, ngunit pagdating sa Pakistan, ang mga aplikante ay walang natatanggap na kontrata, hindi binibigyan ng tamang work visa, at inilalagay sa mapanganib na sitwasyon.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DMW sa publiko na huwag tumanggap ng alok na trabaho lalo na kung ang visa ay tourist visa.
Pinapayuhan din ang publiko na tiyaking ang anumang job offer sa ibang bansa ay dumaan sa lisensyadong recruitment agency na rehistrado sa DMW.
Ito ay dahil sa labag sa batas ang pagtanggap ng trabahong hindi dumaan sa tamang proseso at maaaring mauwi ito sa human trafficking.









