Mga Pinoy sa Ukraine, nakahanda nang lumikas

Nakahanda nang lumikas ang mga Pinoy na posibleng maipit sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., pumayag na ang Poland na papasukin ang ating mga kababayan sa kanilang bansa mula sa Ukraine, kahit walang European Union entry visas.

Sa ngayon ay nakababa ang Alert Level 2 sa Ukraine, na ibig sabihin ay voluntary ang repatriation.


Kasabay nito, hinimok ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola ang mga Pinoy sa Ukraine na huwag magpanic, umiwas muna sa matataong lugar at panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa ating konsulada.

Nabatid na karamihan ng mga Pinoy sa naturang bansa ay household service workers habang ang iba ay nakapag-asawa ng mga residente doon.

Sa ngayon ay anim na Pinoy na ang nakauwi sa Pilipinas mula sa Ukraine.

Facebook Comments