
Hinimok ng Philippine Embassy sa Colombia ang mga Pilipino sa Venezuela na magsumite sa kanila ng emergency contacts.
Sa harap ito ng kaguluhan sa Venezuela matapos na masangkot sa iligal na droga si Venezuelan President Nicolas Maduro.
Sa abiso ng Philippine Embassy, pinasusumite ang mga Pilipino ng kanilang pangalan, mobile number, address at email address.
Pinaiiwas din ang Filipino community sa mga lugar na may kaguluhan.
Ito ay bagama’t dinala na sa New York, USA si Maduro matapos itong maaresto.
Facebook Comments








