Mga Pinoy sa Vietnam, inalerto ng Philippine Embassy kaugnay ng super typhoon

498

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Hanoi ang mga Pilipinong nakatira sa Vietnam lalo sa gitnang bahagi ng bansa.

Kaugnay ito ng banta ng Super Typhoon Noru na nanalasa sa Luzon.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa naturang mga lugar na agad na lumikas kapag nag-anunsyo ng evacuation ang mga awtoridad.


Ang Bagyong Noru ay tinatayang isa sa pinakamalakas na bagyo na tatama sa Vietnam sa loob ng nakalipas na 20 taon.

Tinutumbok nito ang probinsya ng Da Nang at mga karatig na lalawigan sa Vietnam.

Naghahanda na rin ang mga awtoridad sa mga probinsya ng Quang Binh at Binh Thuan para ilikas ang halos 900,000 na mga residente na direktang maapektuhan ng bagyo.



Facebook Comments