Mga Pinoy sa Yamagata, Japan, inalerto ng Philippine Embassy matapos ang malakas na lindol

 

Inalerto ng Philippine Embassy sa Japan, ang Filipino community sa Yamagata, Japan kasunod ng malakas na lindol na tumama doon.

Pinapayuhan din ng embahada ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag.

Kasunod na rin ito ng tsunami warning mula sa pamahalaan ng Japan.


Ang mga apektadong Pinoy ay pinapayuhan din na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Yamagata o maging sa Assistance to National Units ng Philippine Embassy.

Facebook Comments