Mga Pinoy seafarers, pinasasama rin sa priority list ng DOH Sa COVID-19 vaccine

109

Hiniling ni Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez sa Department of Health (DOH) na isama ang mga seafarers sa priority list na mababakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Gonzalez, kung mayroon mang nailantad ang global crisis ay naipakita rito ang mahalagang papel ng mga Pinoy seafarers na humaharap din sa epekto ng pandemya.


Importante aniya ang papel ng mga marino sa COVID-19 response ng pamahalaan tulad ng paghahatid ng mga kinakailangang medical supplies, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Giit ng kongresista, nararapat lamang na maisama ang mga seafarers sa priority list ng mababakunahan ng COVID-19 vaccine upang maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang trabaho.

Facebook Comments