Pinayuhan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga piskal na mahigpit na sundin ang ethical standards at professional conduct na inaasahan sa pagtupad ng kanilang trabaho.
Inilabas ng kalihim ang Department Circular No. 005 series of 2024, na nagpapatupad ng guidelines hinggil sa pag-inhibit ng mga piskal upang matiyak na hindi maaakusahan na may kinikilingan sa mga proceeding.
Sa ilalim pa ng inilabas na circular, ang inhibition ay maaring mandatory o boluntaryo.
Giit ni Remulla, ang mga public prosecutor ay hindi dapat makibahagi sa pagdinig kapag mayroong conflict of interest at kung may dahilan na mapagdudahan ang impartiality ng isang piskal.
Aniya, boluntaryo dapat mag-inhibit ang prosecutor kung sa pasya nito ay nararapat para maiwasan ang ‘miscarriage of justice.’
Sa sandaling nagdesisyon ang prosecutor na mag-inhibit, kinakailangan nitong magsumite ng sinumpaang memorandum.
Sinabi pa ni Remulla, na sa ganitong paraan ay magiging patas ang pagdinig lalo na ang desisyon sa kaso.