Mga piskal sa Maynila, nag-rally bilang pagkondena sa pagpatay kay Prosecutor Jovencio Senados

560

Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Manila Prosecutor’s Office ang mga piskal ng Maynila.


Mahigpit na kinondena ng mga piskal ng Maynila ang ginawang pagpatay kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados.

Anila, maituturing itong kaduwagan.

Hiniling din nila sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang panamambang kay Fiscal Senados.

Facebook Comments