MGA PLAKANG HINDI PA NAKUKUHA SA LOOB NG TATLONG TAON, MAAARING I-DISPOSE NA NG LTO

Inihayag ng Land Transportation Office na sakaling hindi ma-claim ang mga plate number cards sa loob ng tatlong-taon ay maaari ng i-dispose ng ahensya ang mga ito.
Sinabi ni LTO-Region 1 director Glorioso Daniel Martinez na i-didispose na nila ang mga printed cards na hindi pa nakukuha ng mga nag-apply ng lisensya kung umabot na sa tatlong-taon.
Paliwanag director na ang dahilan aniya minsan kung bakit hindi pa naki-claim ang mga ito dahil pumanaw na o nasa ibang bansa ang mga nag-apply.

Samantala, dumating na ang mga raw materials na gagamitin sa paggawa ng plate number kung saan sinabi nito na uusad na aniya ang paggawa ng mga plaka at mabibigyan na ng solusyon ang problemang kinakaharap ng ahensya.
Umaasa naman ang direktor na maaayos ang suliranin at kahit unti-unti ay may nagagawa aniya sila.
Samantala, dito sa lungsod ng Dagupan sandamakmak na mga plaka naman ang naipon ng POSO Dagupan matapos ang nagdaang pagbaha.
Panawagan ng POSO Dagupan na kung sakaling nawawalan ng plaka ng sasakyan ay mangyari lamang magtungo sa kanilang opisina upang kilalanin o i-claim na ang mga plaka. |ifmnews
Facebook Comments