Cauayan City, Isabela- Ibinida ng Department of Tourism (DOT) Region 2 ang kanilang ilang plano at programa bilang suporta sa Executive Order no. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Isa na nga rito ang NICA’s Serbisyo Caravan sa Calayan, Cagayan noong May 6, 2021.
Ayon kay DOT Region 2 Regional Director Fanibeth Domingo, bahagi ng tourism circuit ang ginawang caravan sa Calayan.
Nakatakda namang simulan ang iba pang plano at programa ng ahensya sa bayan ng Rizal sa susunod na taon kung saan magsasagawa ng Eco-Tour Guides Training na kahilingan na rin ng LGU para sa kanilang ibinidang turismo, Filipino Brand of Service Excellence Seminar at Community-based Tourism Kulinarya Workshop kung saan sasanayin ang mga kababaihan sa mga natukoy na ELCAC area na makagawa ng natatanging pagkain.
Samantala, naging sentro rin ng usapin ang mga magagandang pasyalan sa lalawigan ng Quirino gaya ng sikat na Governor’s Rapid sa bayan ng Maddela at Quirino Sports Complex gayundin ang Baguio Village sa bayan ng Diffun.
Tampok rin ang mga ipinagmamalaking tourism destination sa Nueva Vizcaya gaya ng Sta. Fe Historical Viewpoint (Dalton Pass), Capisaan Cave, People’s Museum, Lower Magat Eco-Tourism Park.
Bida rin ang mga ipinagmamalaking pasyalan at pagkain sa Sta. Ana, Cagayan.
Matatandaan na bahagi ng Familiarization Tour ng DOT ang ginawang pagbisita sa mga sikat na pasyalan sa lambak ng Cagayan.