Marawi City, Philippines – Nakalatag na ang mga plano ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Ayon kay DA Sec. Manny Piñol – marami sa mga magsasaka at mangingisda mula marawi ang napadpad ngayon sa iba’t ibang parte ng Lanao Del Sur.
Kaya para makabangon, naglaan ang pamahalaan ng tig-limang libong pisong survival loan at 20,000 para sa rehabilitasyon na gagamitin oras na matapos ang bakbakan sa lugar.
Bukod dito, ipinagiling na rin ng da ang nasa tatlong libong sako ng palay na kasama sa mga bigas na ipinamimigay ng DSWD.
Nakahanda na ring ipamigay sa mga evacuee, pulis at sundalo ang nasa 10,000 food packs na mga halal na pagkain mula sa Davao.
Hinihintay na lang na aprubahan ng Food and Drug Administration ang pamimigay nito.
DZXL558