
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtatapos ng 252 kadete ng Philippine Merchant Academy sa San Narciso, Zambales.
Sa kaniyang talumpati, inilatag ni Pangulong Marcos ang mga plano ng pamahalaan para sa pagpapalakas ng sektor ng mga marino.
Ayon sa pangulo, magkakaroon ng National Merchant Marine Aptitude Test, na susukat sa kahandaan ng mga kabataan na kumuha ng maritime courses sa kolehiyo.
Bumubuo na rin aniya Ladderized Maritime Education and Training Program ang gobyerno, para sa tuloy-tuloy na pag-angat ng mga kadete mula non-degree hanggang sa degree program.
May mga ginagawa na ring hakbang ang Maritime Industry Authority (MARINA) para maparami ang oportunidad para sa onboard training.
Facebook Comments









