Mga plano para sa pagbubukas ng school year 2021-2022, ipiprisenta ng DepEd kay Pangulong Duterte at sa buong gabinete nito

Nakatakdang magprisenta ng proposal ang Department of Education (DepEd) sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa buong gabinete nito kaugnay sa pagbubukas ng school year 2021-2022.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na layon nitong ipaliwanag ang mga hakbang at programa ng ahensiya at mabigyan din ng konsiderasyon at pag-apruba.

Nilalaman din ng proposal ang muling pagbabalik ng face-to-face classes na nakadepende sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Matatandaang noong Hulyo ng nakaraang taon inaprubahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11480 na nagbigay kapangyarihan dito upang iusog ang pagbubukas ng klase na nagresulta ng pagsasagawa ng modular learning o online classes.

Facebook Comments