Manila, Philippines – Nasa full alert status na ang lahat ng PNP Regional Police Office ito ay upang tutukan ang pagbibigay ng seguridad kaugnay sa paggunita ng Undas.
Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa isinagawang flag raising ceremony dito sa Camp Crame.
Habang aniya nasa heightened alert status na ang Philippine National Police Headquarters.
Ibig sabihin nito, limangpung porsyento sa mga pulis na nakatalaga sa PNP Headquarters ay nakaalerto, at idedeploy para magbigay seguridad.
Pero paalala ni Dela Rosa sa mga pulis na hindi naka-duty ngayong UNDAS na laging tatandaan ang sinumpaan sa bayan na ang pagiging pulis ay 24 oras.
Aniya, nakaduty man o hindi kung kinakailangang rumesponde ay dapat itong gawin bilang pulis.
Paalala rin ni PNP chief sa mga pulis na i-secure din ang kanilang bahay ngayong Undas dahil nakakahiya raw kung bahay ng isang pulis ang mabibikta ng akyat bahay gang.