Manila, Philippines – Umalma si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa pahayag ng ilang PNP retirees na pinababayaan ng kanyang liderato ang mga ito.
Kwento ni Dela Rosa nakatanggap sya ng impormasyon at sinasabing nagsumite na raw sya ng position paper sa Department of Budget and Management ( DBM) at nakalagay raw dito na hindi kasama ang mga retirees sa mabibigyan ng salary o pension increase para sa susunod na taon.
Ayon kay Dela Rosa, hindi nya alam kung ito ay general statement ng PNP retirees pero sinabi nyang hindi totoong nagsumite na sya ng position paper sa DBM.
Hanggang ngayon aniya patuloy na pinag-aaralan ng Directorate for Comptrollership at technical working group ang ilalagay sa position paper.
Nais lamang daw PNP na ang magiging desisyon para dito ay kapaki-pakinabang para sa lahat habang ikinokonsidera rin ang sitwasyon ng DBM na hindi lahat ay kaya nalang bigyan ng dagdag sweldo o dagdag pension.
Sinabi pa ni General Bato na hindi nya raw pwedeng balewalain ang kapakakanan ng mga retirees dahil sa suusnod na taon ay magreretiro na sya sa serbisyo at mapapabilang sa mga PNP retirees.