Mga POGO Hubs na iligal na

Nag ooperate sa QC, binigyan ng warning ng City Government .

Binigyan ng 15 araw ng Quezon City Govt. ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO hubs na gawing legal ang kanilang operasyon   sa Quezon City .

Kasunod ito ng isinagawang surprised inspections ni QC Mayor Joy Belmonte sa Eastwood City sa Libis nitong nagdaang gabi .


Sa kanyang paglilibot,nakitaan ang ilang  POGO Hubs na  walang Business Permit kayat inisyuhan ng Notice of Violations.

Layon ng Alkalde na lahat ng  POGO Centers na nag ooperate sa Lungsod ay tutugon sa Local Requirements ng Lungsod para sa kanilang negosyo.

Ilan sa mga  POGO Hubs na ilegal na nag ooperate sa Lungsod  ay ang  Omniworld Enterprise, Inc., Singtech Enterprise Inc. at Great Empire Gaming and Amusement Corp.

Bigo ang mga stablishment owners na magpakita ng mga kaukulang Clearances para makapagtayo ng negosyo tulad ng  Locational Clearance, Sanitary Permit, Environmental Clearance, Occupational Permits ng kanilang mga  Employees at iba pa.

Facebook Comments