Mga POGO na hindi kayang magbayad ng buwis, malayang umalis ng bansa ayon sa Palasyo

Malayang umalis ng bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kung hindi nila kayang magbayad ng buwis sa Pamahalaan.

Ito ang pahayag ng Malacañang kasunod ng anunsyo ng Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang POGO firms ang umalis sa Pilipinas at marami pa ang inaasahang aalis dahil sa isyu ng buwis sa Pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t malaki ang naiaambag ng POGO sa ekonomiya ng bansa, palalayasin ang mga ito sa bansa kung hindi sila makasunod sa tax obligations.


Una nang nagbabala ang Department of Finance (DOF) na ipapasara ang mga POGO na mayroong tax liabilities kung saan tinatayang nasa ₱21.62 billion ang uncollected withholding income taxes.

Facebook Comments