Mga POGO na sabit sa criminal activities, iimbestigahan ng Kamara

 

Ipinag-utos ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa House of Representatives ang pagsasagawa ng malalim na imbesitgasyon sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen ng mga hindi lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Romualdez, ipatatawag sa imbestigasyon ang ang iba’t ibang stakeholder, law enforcement agencies, regulatory bodies, at community representatives, upang makakalap ng komprehensibong mga pananaw at rekomendasyon.

Nakakabahala para kay Romualdez ang patuloy na operasyon ng mga ilegal na POGO sa kabila ng mahigpit na regulasyong pinapairal sa bansa.


Umaasa si Romualdez na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay mahuhubaran ng maskara ang mga utak at protektor ng mga ilegal na POGO na sangkot din sa mga ilegal na gawain.

Sa gagawing pagdinig ay nais ding malaman ni Romualdez kung epektibo pa ba ang umiiral na regulasyon at kung ano ang dahilan o papaano nalulusutan ng mga iligal na POGO ang batas.

Facebook Comments