Nakipag-dayalogo si National Capital Region (NCRPO) chief PBGen. Jonnel Estomo sa mga operator ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at casino upang matiyak ang kaligtasan ng mga Chinese national na kadalasang nabibiktima ng kidnapping, serious illegal detention, robbery at iba pang kahalintulad na insidente.
Kabilang sa mga tinalakay sa isinagawang dayalogo sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ay ang pangamba ng mga representative ng mga POGO na nakaranas at naka-saksi ng kasong illegal detention sa kanilang establisyemento pero nabigo mag-report dahil natatakot silang balikan.
Tinatalakay rin sa pagpupulong ang kaligtasan at seguridad ng mga empleyado ng POGO na nakatuon sa mga dayuhan at lokal na manggagawa at iba pang mga modus operandi ng mga suspek na nambibiktima ng mga staff at empleyado ng POGO na kanilang ita-trato na confidential.
Hinikayat ni PBGen. Estomo ang mga POGO operators na makikipag-ugnayan sa NCRPO upang makagawa ng kaukulang hakbang ang pulisya at matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.
Magsasagawa rin ang NCRPO ng tunay presensya ng mga pulis sa pamamagitan ng foot, mobile at motorcycle patrol sa palidid ng POGO at kalapit na establisemento at magsasagawa rin sila ng mga pagsisita sa mga may kahinahinalang kilos.