Mga POGO sa bansa, national concern pa lang at hindi pa national security threat ayon sa NSC

 

Hindi pa maituturing na “national security threat” ang mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Francis Jude Lauengco na hindi “national security threat” kundi maituturing pa lang na “national concern” ang mga POGO dahil sa human trafficking, cyber-fraud, prostitusyon at iba pang krimen.

Suportado ng NSC ang mga panukalang batas na naglalayong tuluyang ipagbawal ang POGO at lahat ng internet gaming licensees a buong bansa.


Magkagayunman, tinanong ni Senator Sherwin Gatchalian ang NSC kung anong kailangang makita ng ahensya bago matawag na banta sa pambansang seguridad ang mga POGO.

Punto ni Gatchalian, puro sindikatong kriminal ang nasa POGO, may nadiskubreng military uniforms ng China at may naarestong Chinese hacker na konektado sa POGO.

Facebook Comments