Mga police commander, babalasahin kung hindi magagawa nang maayos ang mga paghahanda para sa 2022 elections

Aalisin sa pwesto ang sinumang police commander na hindi makakatupad ng maayos sa kanilang mandato na paghahanda sa gaganaping eleksyon 2022.

Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos, kasabay ng mas pagtutok nila sa paglalatag ng seguridad para sa halalan.

Aniya, kung walang naiko-contribute ang police commander sa misyon at function ng organisasyon ay dapat nang alisin sa pwesto.


Marami aniyang police officer na willing maging police commander na karapat-dapat italaga sa posisyon.

Samantala sa ngayon ay tuloy-tuloy na ang ginagawang pag-aaral ng PNP para matukoy ang mga election areas of concern sa buong bansa.

Ayon sa PNP chief, kinakailangan dito ay magtulungan ang mga PNP regional at provincial director para mas mabilis matutukoy ang mga election areas of concern.

Facebook Comments