Mga police commanders, titiyaking sumusunod sa COMELEC regulations ngayong panahon ng eleksyon

Monitor ang galaw ng mga police commanders ngayong panahon ng eleksyon para matiyak na sila ay sumusunod sa Commission on Election (COMELEC) regulations.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos kasabay ng pahayag na ang hakbang nilang ito ay upang matiyak na mananatiling apolitical ang PNP sa panahon ng halalan.

Sinabi ni PNP chief, unang hakbang pa lang ang ginawang paglipat ng pwesto ng mga pulis na may kamag-anak na tumatakbo sa halalan, o yung mga identified sa mga incumbent na kumakandidato.


Patuloy aniya ang pagtanggap nya ng impormasyon mula sa mismong mga tauhan ng mga opisyal o sumbong ng mga mamamayan tungkol sa mga katiwalian na ginagawa ng ilang mga pulis na may kinalaman sa eleksyon.

Sinabi naman ni Carlos na dalawang beses niyang bine-verify ang mga natatanggap na sumbong at tiniyak na mananagot ang mapapatunayang hindi sumusunod sa patakaran ng PNP na manatiling “non-partisan” sa eleksyon.

Facebook Comments