
Hindi lamang mga awtoridad natin ang abala sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga pasaherong pauwi sa kanilang mga probinsya.
Katuwang din sa pagtiyak ng seguridad ang mga K-9 units para i-tsek na walang ipinagbabawal na bagay na dala itong mga pasahero.
Nakita rin natin kanina na nilalaro din ng kanilang mga handler ang mga K-9 dogs na kasama.
Ayon sa isa sa mga K-9 handlers na ating nakausap, wala naman silang explosives o anumang delikadong bagay na nakita sa mga bagahe at mga kahon na dala ng ating kababayang babyahe ngayong Undas.
Para hindi naman manawa ang mga K-9 dogs sa kanilang ginagawa dahil kapag paulit-ulit ay nagkakaroon din ng depression o nalulungkot din ang mga aso kapag wala silang nakukuhang explosives, kaya ang ginagawa ng mga handlers nila ay kusa silang nagpaplanta ng explosive at ipapahanap sa aso para kahit papano ay hindi ito tumamlay o malungkot at saka ito bibigyan ng reward.
Mayroong rotation din ang mga K-9 dogs natin para makapagpahinga sa kanilang trabaho.









