Mga police scalawags, pinagbantaan ni QCPD Chief Eleazar

Quezon City, Philippines – Nagbanta si QCPD District Director P/ Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mga operatiba ng QCPD na hindi pa rin tumitigil sa mga iligal na gawain partikular na ang pangongotong.

Ang babala ay ginawa ni Eleazar matapos na maaresto ang isang miyembro ng QCPD District Traffic Enforcement Unit Sector 3 na si PO3 Fernando Tanghay sa isinagawang entrapment operation dahil sa pangongotong sa halagang pitong libong piso sa isang motorista na nabiktima ng vehicular accident.

Sabi ni Eleazar, hindi siya mangingiming kasuhan at tanggalin sa pwesto ang sinumang tauhan ng QCPD na umaabuso sa kanilang tungkulin.


Hinimok ni Eleazar ang publiko na huwag matakot na isumbong sa kanyang tanggapan ang sinumang pulis na nagsasamantala sa kanilang kapangyarihan bilang awtoridad at taga pangalaga ng Peace and Order sa kanilang nasasakupan.

DZXL558

Facebook Comments