Mga police station sa PNP Region 8, hindi naapektuhan ng lindol

Eastern Visayas – Walang nasirang police station sa buong Region 8.

Ito ang kinumpirma ni PC. SUPT. Elmer Beltejar, ang Regional Director ng Eastern Visayas PNP, matapos ang naranasang malakas na lindol sa Jaro, Leyte.

Sinabi pa ni Beltejar na wala ring naitatalang pulis na biktima sa lindol.


Sa ngayon aniya ang pagtulong sa mga biktima ng lindol ang kanilang pinagkakaabalahan.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Units.

Partikular sa lalawigan ng Leyte na sentro ng naranasang 6.5 magnitude na lindol kahapon.

Facebook Comments