Mga police units, nagtaas ng alerto sa harap ng inaasahang dagsa sa mga tourist destination ngayong summer season

Inalerto ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos ang lahat ng PNP units at police stations para striktong ipatupad an mga guidelines.

Kaugnay ito sa inaasahang pagdagsa ng tao sa mga pasyalan ngayong summer season.

Ayon kay Carlos, mahalagang mabantayan ang dagsa ng tao upang matiyak na nasusunod pa rin ang minimum public health standards at mapigilan ang anumang mga planong krimen.


Batay sa guidelines inatasan ang lahat ng police units at stations na mahigpit na makipag ugnayan sa community-based volunteers at force multipliers para matukoy ang lugar kung saan mas maraming idedeploy na magbabantay.

Pinapa-coordinate rin ni PNP Chief ang mga pulis sa Department of Tourism (DOT) o iba pang counterparts para mamigay ng safety tips na magiging gabay ng mga turista.

Facebook Comments