Mga polisiya ng bansa laban sa COVID-19, irerebisa ng IATF

Tiniyak ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kanilang pag-aaralan ang kasalukuyang mga polisiya kaugnay ng travel at outdoor activities sa Pilipinas kasunod ng banta ng Delta variant.

Ayon kay IATF Co-Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dahil sa Delta variant, mas maghihigpit sila sa pagpapatupad ng minimum public health protocols sa mga work place, sa mga barangay at sa komunidad.

Pinag-aaralan na rin aniya nila ang sitwasyon sa ibang bansa na posibleng maisama sa pinaiiral na travel ban.


Habang kinokonsidera din nila ang pagpayag sa mga batang limang taong gulang pataas na makalabas na ng bahay sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified GCQ with “heightened restrictions.”

Giit ni Nograles, hindi nila maaaring baliwalain ang banta ng Delta variant.

Facebook Comments