Mga polisiya ng Duterte administration, nagpapaalala lamang sa mga mapait na pangyayari noong martial law – Makabayan bloc

357

Pinapaalala lamang ng walang habas na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga panahong nasa ilalim ng batas military ang bansa.

Ito ang inihayag ng Makabayan bloc kasabay ng ika-49 taong komemorasyon ng deklarasyon ng martial law noong taong 1972.


Ayon kay House Assisstant Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro, walang pinagkaiba ang mga polisiya ng Duterte administration sa mga polisiya at prayoridad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Aniya, tulad ng dati ay kabi-kabila pa rin ang basic human right violations, laganap pa rin ang korapsyon lalo na ang pondo para sa pandemya, patuloy pa rin ang pagsupil sa freedom of the press at pangre-red-tag sa mga aktibista at kanilang mga aktibidad.

Facebook Comments